Oooooh.... what does this button do???
corvusdei.easyjournal.com
April 2005
SuMoTuWeThFrSa
     12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

Powered by Easyjournal
Male Pasig,  Phillipines
Wouldn't it be better if Life had a LOAD, SAVE, and DELETE button?
4.11.2005
huli na ito
this is a place i have nearly forgotten. this is my sanctuary when the outside world is too much to bear. in here i could scream my mind out to anyone who would bother to read. which is exactly why i came back here. let me speak in my vernacular. to those who don't understand, i apologize...

sa loob ng ilang panahon, pinipilit kong huwag masaktan tuwing makikita ko ang iyong mensahe sa aking telepono. pinipilit kitang ibaon na lang sa limot. inuubos ko ang oras ko sa mga bagay na maaaring sabihing walang katuturan para lang maiwasang isipin kita. minsan, nagtatagumpay ako. natatapos ang isang maghapon na hindi kita naiisip ngunit mas madalas kesa hindi ay dadapo sa aking isipan ang alaala ng iyong mukha, mga pagkakataon na tayo'y magkasama at dahil doon ay di ko maiwasan na magdamdam.

dalawang bagay ang ikinasasakit ng loob ko. una ay ang iyong pagwawalang bahala sa pagkakaibigan natin na para bang isa lang akong aso na papansinin mo lang kung umaangil na. sige, naiintindihan ko na hindi ako ang pinakaimportanteng tao sa buhay mo pero respeto bilang tao na sumagot ka naman pag may itinatanong sa iyo ng matino. kabastusan na yan kasi eh.

ang ikalawang bagay ay ang iyong labis na pagbabago. hindi na ikaw ang dating babaeng nakilala ko. sobrang laki na ng ipinagbago mo. maging ang iyong dating kasintahan ay nagtataka sa mga ikinikilos mo. siguro nga ay tanga lang akong umiibig sa iyo at hindi ko nakita agad ang mga senyales.

sa ngayon, mas pipiliin kong huwag ka na lang makausap kaysa magpadala ka ng mensahe sa akin na para bang ibang tao ako sa iyo. huwag na lang. ilang beses ko nang isinumpa na hindi na kita kakausapin o bibigyan ng mensahe at ilang beses ko na rin iyong hindi tinupad. hindi ko na alam kung kaya ko pang panindigan ang isa pang pangako sa sarili ko na hindi na nga kita kakausapin. hindi ko alam kung paniniwalaan ko pa ang sarili ko kung sasabihin kong ayoko na. pero siguro, bilang pagliligtas sa respeto sa aking sarili, hindi na nga muna...

naaawa na kasi ako sa sarili ko eh. hindi ko naman inaasam na suklian mo ang mga ginawa ko para sa iyo, gusto ko lang na sana ay ma-appreciate mo lahat ng sakripisyo ko. isang bagay na sa tingin ko ay hindi na mangyayari. kaya kailangan ko nang manindigan.

putang ina, mahal na mahal kita...

pero hindi ko na kaya ang magmukhang tanga na kakausapin mo lang ako kung kelan mo gusto. hindi ako laruan. hindi ako aso. hindi ako naghahanap na mahalin mo ako. gusto ko lang na tratuhin mo akong tao. huling mensahe ko na ito para sa iyo. hindi ko alam kung makakarating ito sa iyo. pero kung sakali, gusto ko na sanang lumisan na muna.

mahal kita higit sa pagmamahal ko sa sarili ko. pero mawawalan na ako ng respeto sa sarili ko kung patuloy kitang mamahalin na parang tanga.

huli na ito.